Pagdating ng panahon guitar

22 Feb

Ayon sa mga tala nina Agustin de la Cavada at Felix Huerta, ang Binangonan ay dating bisita ng Morong at naging bukod na parokya noong 1621; ngunit may ibang tala naman na nagsasabing bumukod ang Binangonan sa Morong noong 1737.Ang mapulang dagta nito’y hinahaluan ng suka upang makalikha ng mabisang pagkit.May tribung Binongan din na nakapailalim sa tribung Tingguian sa hilaga ng Filipinas, at kung anuman ang kaugnayan nito sa halaman ay kailangan pang saliksikin.Kung gagamitin itong pandiwa, ito ay magiging MAGSAPANG, SINAPANG, SINAPANGAN, SUMAPANG.Ang iba pang barangay sa Binangonan na maipapangkat sa uri ng halaman o punongkahoy ay Pinagdilawan [pi nag dilaw an] na hango sa luyang-dilaw, at Tayuman [tayom an] na hango sa palumpong na mabalahibo at may isang metro ang taas, na ang katas ng ugat ay ginagawang tinà.

May ibang barangay na nabahiran ng banyagang termino, gaya Saról, na hango sa Espanyol na “charol” na taguri sa pinakinis na katad, at Janosa at San Carlos na pinakabagong tatag na barangay.

May ibang pangalan ng barangay sa Binangonan na mahirap nang matukoy ang ugat, gaya ng Ithan [Itahan? ], at Rayap [na maaaring hango sa “layap” na sinaunang Tagalog na katumbas ng “likas na pagkahilig”].

Ikalima sa laki ng lupain ang Binangonan mula sa labing-apat na munisipalidad ng Rizal, at maituturing na matandang pook kung pagbabatayan ang sinaunang sulat sa bato [petroglyphs] na saklaw nito.

Binubuo ng 40 barangay, ang Binangonan ay nakapaloob sa sukat na 72.70 kilometro kuwadrado (7,270 ektarya) at tinatayang aabot sa halos 239,000 katao ang populasyon noong 2007 ayon sa pinakabagong census.

Bi•ni•ta•gan [b in tag an] 1 png: pook na pinaglagyan ng bitag 2 pdw: nilagyan ng bitag.

Bom•bóng [bumbong] png: buho ng kawayan na ginagawang sisidlan, gaya sa tubig, suka, o barya, o kaya ay lutuan, gaya sa sinaing. May Calumpang din sa Lungsod Marikina, at ito ay marahil sa pagkilala sa punongkahoy na tumutubo noon sa gilid ng pasigan.

Posibleng hango sa binongan ang Binangonan, dahil maraming punongkahoy doon na ang dagta ay ginagawang pandikit o pagkit.

Samantala, isang katutubong punongkahoy na tinatawag na Kamuning Binangonan [] na paboritong gamitin sa paggawa ng bonsai—dahil sa tigas ng kahoy nito’t maliliit na dahong lungti—ang animo’y sumasagisag sa tatag na munisipalidad na mabuhay sa kabila ng kahirapan at mabalasik na panahon.